Malacanang - Tinurukan ngayong araw, Mayo 3, 2021 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng unang dose ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.
Ang bakuna ay itinurok kay Duterte, alinsunod sa kapasiyahan ng kanyang doktor, at mismong si Kalihim Francisco Duque III ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang nag-iniksyon sa pangulo.
Bago magpa-iniksyon, sinabi ni Duterte na mabuti ang kanyang pakiramdam at matagal na niyang inasahan ang inokulasyong ito.
Ani Duterte, nagpabakuna siya hindi lamang para protektahan ang kanyang kalusugan laban sa COVID-19, kundi para hikayatin din ang mga kababayang Pilipino na magpabakuna.
Bilang isang senior citizen, kasama si Pangulong Duterte sa priyoridad na dapat bakunahan.
Artikulo: Jade
Pulido: Rhio
Photo courtesy: FB account ni Senator Bong Go