White paper hinggil sa mapayapang liberasyon at masaganang pag-unlad ng Tibet, inilabas ng Tsina

2021-05-21 12:06:48  CMG
Share with:

White paper hinggil sa mapayapang liberasyon at masaganang pag-unlad ng Tibet, inilabas ng Tsina_fororder_20210521Tibet

Inilabas Biyernes, Mayo 21, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa mapayapang liberasyon at masaganang pag-unlad ng Tibet.
 

Ayon sa white paper, noong ika-23 ng Mayo, 1951, nilagdaan ng pamahalaang sentral ng Tsina at pamahalaang lokal ng Tibet ang kasunduan hinggil sa paraan ng mapayapang pagpapalaya ng Tibet, bagay na nagdeklara ng naturang plano. Mula noon, naging ligtas ang mga mamamayang Tibetano sa pananalakay ng imperialismo, at tumatahak, kasama ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng bansa, sa landas ng pagkakaisa, pagkamit ng progreso at pag-unlad.
 

Tinukoy ng white paper na pagpasok sa bagong panahon, sa ilalim ng matibay na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at puspusang pagsuporta ng mga mamamayan ng buong bansa, natamo ng Tibet ang komprehensibong tagumpay sa pagpawi sa karalitaan. Nagiging mas matatag ang pangkalahatang kalagayang panlipunan, mas masagana ang kabuhaya’t kultura, mas maganda ang kapaligirang ekolohikal, at mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan.
 

Anang white paper, sa patnubay ng kaisipan ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, tiyak na magiging mas maluningning ang kinabukasan ng Tibet, at magiging mas maligaya rin ang pamumuhay ng mga Tibetano.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method