Napakalaking pag-unlad, nakikita sa Tibet

2021-05-22 18:05:30  CMG
Share with:

Napakalaking pag-unlad, nakikita sa Tibet_fororder_950fbf0f17274bb294e366663da084a8

 

Ayon sa preskong idinaos ngayong araw, Mayo 22, 2021, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, tungkol sa pag-unlad ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, noong taong 2020, umabot sa halos 14.6 libong yuan RMB ang per capita disposable income ng mga residente sa kanayunan ng naturang rehiyong awtonomo.

 

Mas malaki ito nang 12.7% kumpara sa halaga noong 2019, at tuluy-tuloy itong lumaki sa dalawang digit nitong nakalipas na 18 taong singkad.

 

Lubos ding pinahahalagahan ang pangangalaga sa ekolohiya sa Tibet, diin sa preskon.

 

Ang kalahati ng buong saklaw ng rehiyong awtonomong ito, na katumbas ng mahigit 600 libong kilometro-kuwadrado, ay inirereserba bilang rehiyon kung saan isinasagawa ang pinakamahigpit na mga hakbangin ng pangangalaga sa ekolohiya.

 

Ayon pa rin sa preskon, sa loob ng darating na limang taon, ang mga laang-gugulin sa Tibet ay, pangunahin na, mapupunta sa apat na aspektong kinabibilangan ng pangangalaga sa ekolohiya, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong sa mga suliraning panlipunan, at konstruksyon sa mga purok-hanggahan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method