Sa pakikipag-usap sa telepono, kahapon, Hunyo 2, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Ilham Aliyev ng Azerbaijan, sinabi niyang, itinuturing ng Tsina ang Azerbaijan bilang mahalagang katuwang sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative, at dapat palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon, lalung-lalo na, sa aspekto ng pandaigdigang transportasyon at lohistika, para pataasin ang lebel ng konektibidad sa rehiyong ito.
Sinabi rin ni Xi, na nakahanda ang Tsina na patuloy na magbigay-tulong sa Azerbaijan para sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagbawas ng karalitaan, at iba pa.
Binati naman ni Aliyev ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Pinasalamatan niya ang Tsina sa pagkakaloob ng mga kagamitang medikal at bakuna. Hinahangaan din niya ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang aspektong gaya ng pulitika, kabuhayan, at tranportasyon.
Editor: Liu Kai
Tsina, tinatanggap ang mga produktong agrikultural mula sa Dominica
Mga pangulo ng Tsina at Nepal, nag-usap sa telepono; kooperasyon kontra pandemiya, palalalimin
Tsina, palalawakin ang kooperasyong pangkalakalan sa Espanya
Pangulong Tsino, nagpahayag ng pagbati sa World Judicial Conference on Environment