Kaninang madaling araw, Hunyo 6, 2021, dumating ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang karagdagang pangkat ng isang milyong dosis na bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Hanggang sa ngayon, umabot na sa 6.5 milyong dosis na Sinovac vaccines na tinanggap ng Pilipinas.
Sinalubong sa paliparan ang nasabing mga bakuna nina Francisco Duque, Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas, at Carlito Galvez, National Task Force against COVID-19 Chief Implementer.
Nauna rito, ipinahayag nitong Sabado ni Maria Rosario Vergeire, Pangalawang Kalihim ng Kalusugan ng Pilipinas, na kasunod ng pagkalakip ng World Health Organization (WHO) ng Sinovac vaccine sa Emergency Use List (EUL), nagiging mas mataas ang kompiyansa ang mga Pilipino sa bakunang ito.
Ani Vergeire, makaraang mapasa sa pagtasa ng WHO, muling napatunayan ng Sinovac vaccine ang kabisaan nito sa pagpigil sa pagkahawa ng COVID-19.
Salin: Lito
Photo Source: PTV
EUA ng WHO natamo ng bakuna ng Sinovac: WHO sinabing ligtas at mabisa ang bakunang Tsino
Bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inilakip sa emergency use list ng WHO
Ulat ng Uruguay: Bakunang gawa ng Sinovac, kayang bawasan ng 97% ang mga namamatay sa COVID-19
Bagong batch ng 500k bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Ikapito at pinakamalaking kargamento ng 1.5 milyong bakuna ng Sinovac, dumating na ng Pilipinas