Chongqing, Tsina — Idinaos Lunes, Hunyo 7, 2021 ang ika-19 na pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa pagsasakatuparan ng “Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).” Magkasamang nangulo sa pulong sina Hong Liang, Direktor-General ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministring Panlabas ng Tsina, at Theresa P. Lazaro, Asistanteng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang iba’t-ibang panig hinggil sa mga temang gaya ng komprehensibo’t mabisang pagsasakatuparan ng DOC, pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong pandagat, at pagsasanggunian ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Ipinalalagay ng iba’t-ibang panig na matatag sa kabuuan ang kasalukuyang situwasyon sa South China Sea. Ipinagdiinan nila ang kahalagahan ng komprehensibo’t mabisang pagsasakatuparan ng DOC. Buong pagkakaisa ring nilang sinang-ayunang patuloy na palakasin ang kooperasyon at palalimin ang pagtitiwalaan para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Tsina sa Amerika at Timog Korea: Dapat maging maingat sa isyu ng Taiwan
Op-Ed: Dapat matyagan ang “Yellow Journalism” para hindi maulit ang trahediyang kasaysayan
Tsina, magsisikap kasama ng Pilipinas, para maayos na hawakan ang pagkakaiba sa isyu ng dagat
Op-Ed: Pagsasanggunian at pagtutulungan, siyang tanging kalutasan sa isyu ng SCS