Bakuna ng Sinovac, patuloy ang pagdating sa Pilipinas

2021-06-10 17:17:30  CMG
Share with:

Bakuna ng Sinovac, patuloy ang pagdating sa Pilipinas_fororder_img20210610074014

 

Dumating ngayong umaga, Hunyo 10, 2021 sa Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac Biotech ng Tsina.

 

Sa paliparan, sinaksihan nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Secretary Vince Dizon ang pagdating ng ika-10 at pinakahuling pangkat ng bakuna mula sa Tsina.

 

Kabilang sa mga bakunang tinanggap ng Pilipinas ang dalawang pangkat na libreng ipinagkaloob ng Tsina.

 

Sa kabuuan, 7.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac ang napasakamay ng Pilipinas.

 

Samantala, inaprobahan noong isang linggo ng World Health Organization ang pangkagipitang paggamit ng bakuna ng Sinovac - isang patunay na abot ng naturang bakuna ang mga pandaigdigang pamantayan.

 

Sa kabilang dako, inaasahan ng Pilipinas na tatanggap ng mas marami pang bakuna mula sa iba't-ibang tsanel, para palawakin ang inokulasyon sa loob ng bansa.

 

Photo courtesy: PNA

Please select the login method