Dumating ngayong umaga, Hunyo 17, 2021, sa Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang 1.5 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.
Sa pamamagitan nito, inaasahang ibayo pang mapapabuti ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sa naturang 1.5 milyong dosis, 1 milyon ang binili ng pamahalaan ng Pilipinas, samantalang 500 libo ay binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI).
Ito ang unang pangkat ng mga bakuna na binili ng pribadong sektor ng Pilipinas.
Sinalubong nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at Department of Health Secretary Francisco Duque III ang naturang mga bakuna.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan