Xi Jinping: winewelkam ng Tsina ang mas mahigpit na “Belt and Road” partnerships

2021-06-24 11:09:47  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati sa Komperensya sa Mataas na Lebel ng Asya at Pasipiko hinggil sa Kooperasyon ng Belt and Road, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Hunyo 23, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na magpunyagi, kasama ng iba’t ibang panig, para itatag ang mas mahigpit na “Belt and Road” partnership.
 

Diin ni Xi, layon ng pagharap niya ng Belt and Road Initiative ay manahin ang diwa ng Silk Road, magkakapit-bisig na likhain ang bukas na platapormang pangkooperasyon, at ipagkaloob ang bagong lakas-panulak para sa kooperasyon at pag-unlad ng iba’t ibang bansa.
 

Aniya, nitong nakalipas na 8 taon, nilagdaan ng panig Tsino, kasama ng 140 bansa, ang kasunduan sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road, at dumarami nang dumarami ang mga partner ng kooperasyon.
 

Diin ni Xi, pumasok na ang Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad, nagpapatupad ng bagong ideyang pangkaunlaran, at bumubuo ng bagong kayariang pangkaunlaran, bagay na nagkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa pamilihan, pamumuhunan at paglago ng mga partner ng Belt and Road.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, na igiit ang landas ng pagkakaisa, pagtutulungan, konektibidad, at komong kaunlaran, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method