“Isa sa mga batayan ng pagpapalakas ng isang bansa, ay ang pagpapalakas ng middle class,” pahayag ni Prof. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS).
Inilahad ni Dr. Banlaoi ang kaniyang pananaw hinggil sa papalaking middle class ng Tsina at sinabing isa ito sa pinakamalaking achievement ni Pangulong Xi Jinping. Matapos ma-eradicate ang kahirapan, aniya, ang middle class ang nagbibigay ng economic dynamism ngayon sa bansang Tsina.
Si Prof. Banlaoi habang lumalahok sa Beijing Forum na idinaos sa Peking University, Beijing, China, noong Nobyembre 7-9,2014.
Sa kaniyang mga mata, bilang isang lider, isa sa mga nagustuhan niyang katangian ni Pangulong Xi ay ang pagiging malapit niya sa mga ordinaryong tao.
“Marami siyang assignments sa mga probinsya, mga rural areas. Kaya yung kaniyang proyekto na ma-alleviate yung poverty, ma-eradicate yung absolute poverty sa China ay naisakatuparan yan,”paliwanag niya.
Binanggit din niya sa panayam ng China Media Group Filipino Service na napakahalaga ng leadership para maisakatuparan ang mga pambansang adhikain. Aniya, “Ang partido ang nagbibigay ng pambansang enerhiya na siyang magpapalakas ng bansa para ma-achieve yung lahat ng development goals. Mahalaga talaga ang liderato na ipinakikita ni Xi Jinping.”
Taglay din ng pangulong Tsino ang napakalakas na global vision na binubuo ng community with a shared future at ang Belt and Road Initiative (BRI).“Sana mapagpatuloy ang lahat ng economic programs within the Belt and Road Initiative. At patuloy ding makasama ang Pilipinas sa BRI,”saad pa niya.
Ang interview ay mapapakinggan sa itaas.
Narito ang unang episode ng espesyal na programa ng CMG, kung saan ibinahagi ni Dr. Banlaoi ang pananaw hinggil sa pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina sa mga larangan ng pagbabakuna, imprastruktura, kalakalan at people-to-people contact.
Narito ang pangalawang episode, kung saan ibinahagi ni Dr. Banlaoi ang pananaw hinggil sa kahalagahan ng imprastruktura't modern agriculture para mapataas ang antas ng pamumuhay at makaahon sa ganap na kahirapan ang mga mamamayang Tsino, at prospek ng bagong target na pangkaunlaran ng Tsina para sa Pilipinas para isakatuparan ang win-win situation.
Narito ang pangatlong episode, kung saan ni Dr. Banlaoi ang 100 taong pag-unlad ng Communist Party of China (CPC).
Ulat: Machelle Ramos
Content-edit: Jade/Mac
Web-edit/Audio-edit: Jade
Larawan: Rommel Banlaoi
Espesyal na pasasalamat kay Li Feng at Sarah Tian
Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag
Dr. Rommel Banlaoi: Partido Komunista ng Tsina, mas creative, innovative at mas engaging ngayon
Ikapito at pinakamalaking kargamento ng 1.5 milyong bakuna ng Sinovac, dumating na ng Pilipinas
Pangulong Duterte binakunahan ng Sinopharm, inokulasyon matagal na niyang inasahan