"Patuloy na tatahak ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga mamamayang Tsino sa landas na sariling pinili, at ang kinabukasan ng pag-unlad ng Tsina ay nasa ating mga kamay."
Winika ito ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng bansa, sa kanyang talumpati bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC.
Pinatutunayan ng kasaysayan ng Tsina sapul nang itatag ang CPC, lalung-lalo na ng pag-unlad ng bansa nitong nakalipas na ilang dekada, na tamang tama ang landas na pinili ng Tsina.
Pagdating sa kung paanong uunlad pa ang bansa sa hinaharap, wini-welcome ng Tsina ang mga konstruktibong kuro-kuro, pero hindi tatanggapin ang mga sapilitang ideolohiya.
Editor: Liu Kai