Tsina, inanyayahan ng IAEA na sumali sa grupong teknikal para sa kontaminadong tubig ng Fukushima nuclear plant

2021-07-03 15:46:57  CMG
Share with:

Kinumpirma kahapon, Hulyo 2, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inanyayahan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang mga ekspertong Tsino na sumali sa grupong teknikal na binubuo ng IAEA para sa mga gawain may kinalaman sa plano ng Hapon sa paghawak ng kontaminadong tubig mula sa Fukushima nuclear plant.

 

Samantala, ani Wang, muling hinimok ng Tsina ang Hapon na makipagkooperasyon sa IAEA para sa pagsasagawa ng mga teknikal na pagsusuri at pagmomonitor sa paghawak ng naturang kontaminadong tubig.

 

Dagdag niya, hindi dapat ilabas ng Hapon ang kontaminadong tubig sa dagat, kung hindi magkaroon ito ng komong palagay kasama ng iba't ibang may kinalamang panig na gaya ng mga bansang nakapaligid at mga organisasyong pandaigdig.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method