Ayon sa ulat ng American media, ipinakikita ng poll kamakailan na 69% ng mga Amerikano ang naniniwalang ang pagtatanging panlahi o racism ay nananatili pa ring isang pangunahing problemang panlipunan ng Amerika.
Samantala, ipinalalagay ng 60% respondents na naging mas malubha ang problemang ito kumpara noong isang taon.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Hulyo 7, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang rasismo ay talamak na sakit ng lipunang Amerikano, at ito rin ay malubhang problema sa karapatang pantao.
Umaasa aniya siyang tumpak na pakikitunguhan ng Amerika ang sariling problema sa karapatang pantao, ilulunsad ang aktuwal na aksyon, at kukumpletuhin ang sistemang pambatas, sa halip ng pagsasalita ng kung anu-ano hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac