Ipinahayag ni Tagapagsalita Tian Junli ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA), na walang pahintulot ng pamahalaang Tsino, ang lantarang pagpasok, Lunes, Hulyo 12, 2021 ng USS Benfold (DDG-65) sa teritoryong pandagat ng Xisha Islands ng Tsina.
Bilang tugon, ini-organisa aniya ng PLA Southern Theater Command ang mga sundalong pandagat at panghimpapawid para hanapin, obserbahan, at palayasin ang naturang barko de giyera ng Amerika.
Ani Tian, ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina, at ang kilos ng hukbong pandagat ng Amerika ay grabeng lumalapastangan sa soberanya at seguridad ng Tsina, grabeng nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at norma ng relasyong pandaigdig.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang ganitong probokasyon, at mahigpit na kontrolin ang aksyong militar sa dagat at himpapawid.
Kung hindi, isasabalikat ng panig Amerikano ang lahat ng resultang idudulot nito, diin niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio