Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), gaganapin sa Beijing ang 2021 ASEAN Media Partners Forum sa Miyerkules, Hulyo 14, 2021.
Sa ngalan ng Pilipinas, lalahok sa naturang porum sina Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), at Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, kasama ng iba pang mga 80 panauhin mula sa 32 organisasyon.
Sa ilalim ng temang "Media Cooperation & Regional Development," ang porum ay isa sa mga aktibidad na nasa pagtataguyod ng CMG bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina’t Association of Southeast Asian Nations (ASEAN ) na natatapat sa taong ito.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
500 milyong bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa komunidad ng daigdig
Pangulong Duterte: Tsina, kaibigan at katuwang para sa kapayapaan at kaunlaran
Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa trahedya ng bumagsak na eroplanong militar ng Pilipinas
PCOO: Pasusulungin ang kooperasyon ng media ng Pilipinas at Tsina
Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO