CMG Komentaryo: White paper, tumugon sa mga akusasyon tungkol sa Xinjiang

2021-07-16 15:43:36  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang white paper tungkol sa kalagayan ng paggalang at pangangalaga sa mga karapatan ng iba't ibang grupong etniko sa Xinjiang.

 

Ayon sa white paper, batay sa saligang prinsipyo ng Tsina sa pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at komong kasaganaa't kaunlaran ng iba't ibang nasyonalidad, walang humpay na umuunlad at sumusulong ang usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang.

 

Sa aspekto ng kabuhayan, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang, walang patid na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at nagkakaroon ng pantay na oportunidad sa pag-unlad ang iba't-ibang nasyonalidad sa Xinjiang.

 

Sa aspekto ng kultura, lubos na pinahahalagahan ng Xinjiang ang pagdiskubre, pagpapatuloy, at pangangalaga sa mahusay na tradisyonal na kultura ng iba't-ibang nasyonalidad, at totohanang iginagarantiya ang karapatan ng mga mamamayang lokal sa edukasyon.

 

Nabuo sa Xinjiang ang panlipunang sistemang panggarantiya na saklaw ang buong mamamayan nito. Bukod dito, lubos ding pinahahalagahan ng Xinjiang ang mga gawain tungkol sa kababaihan at kabataan, at puspusang nilulutas ang mga namumukod na problema sa proseso ng pag-unlad ng mga kababaihan at kabataan.

 

Komprehensibo ring ipinapatupad sa Xinjiang ang patakaran ng kalayaan sa relihiyon. Pinuproteksyunan ang mga normal na aktibidad ng pananampalataya.

 

Ang naturang mga natamong bunga sa Xinjiang ay muling nagpapatunay na hindi totoo at walang batayan ang akusasyon ng ilang bansang kanluranin sa mga patakaran ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method