Ngayong taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo o dialogue relations ng Tsina’t Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Bilang pagdiriwang sa okasyong ito, nagpadala nitong Lunes, Hulyo 19, 2021 sa isa’t isa ng mensaheng pambati sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN.
Kinikilala ng dalawang panig ang mga natamong bunga ng ugnayang Sino-ASEAN nitong tatlong dekadang nakalipas at naging isa ito sa mga pinakaestratehiko at komprehensibong partnership.
Hinahangaan din nila ang ibinigay na ambag ng relasyong Sino-ASEAN sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Ang Tsina at mga bansa ng ASEAN ay nagtakda ng pamantayan at nagsisilbing huwaran para sa kooperasyon sa Asya-Pasipiko.
Pinahahalagahan din nila ang pagkapit-bisig laban sa pandemiya ng COVID-19 at lumalalim na pagpapalitan at pagtutulungan sa ibang pang mga larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan, tao-sa-tao at kultura.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na sa kasalukuyan, pumapasok na ang relasyong Sino-ASEAN sa bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ASEAN na itatag ang estratehikong partnership sa mas mataas na antas, at buuin ang komunidad na may mas mahigpit na pinagbabahaginang kinabukasan. Layon nitong matugunan nang mas mainam ang mga hamong panrehiyon at pandaigdig sa hinaharap at magdulot ng kapakinabangan sa mahigit dalawang bilyong mamamayan ng 11 bansa, dagdag pa ng premyer Tsino.
Pinasalamatan naman ni Sultan Bolkiah ang Tsina sa buong-tatag na pagkatig sa sentral na papel ng ASEAN. Nananalig aniya siyang ang estratehikong partnership ng Tsina’t ASEAN ay makakalikha ng mas magandang kinabukasan.
Ipinahayag din ng Sultan ng Brunei ang pagbati sa sentenaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na natatapat din sa taong ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina't ASEAN, ipinagdiriwang
2021 ASEAN Media Partners Forum, idinaos; Sec. Andanar at Amba. Sta. Romana, lumahok
Wang Yi at Lim Jock Hoi, nag-usap: kooperasyong Sino-ASEAN sa paglaban sa COVID-19, palalakasin
Pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN, dinaluhan ni Wang Yi