Bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo o dialogue relations ng Tsina’t Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nagpadala ng mensaheng pambati sa isa’t isa, Lunes, Hulyo 19, 2021, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Wang na nitong tatlong dekadang nakalipas, naisakatuparan ng ugnayang Sino-ASEAN ng malaking pag-unlad at naging pinakamalaking trade partner ang dalawang panig. Kasabay nito, masaganang masagana ang pagtutulungan at masiglang masigla ang estratehikong partnership ng Tsina’t ASEAN, ani pa ni Wang.
Kinikilala rin ni Wang ang pagdadamayan at potensyal sa kooperasyon ng Tsina’t ASEAN para matugunan ang pandemiya ng COVID-19 at mapanumbalik ang kabuhayan.
Nakahanda ani Wang ang Tsina, na mapalalim, kasama ng ASEAN ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, iangat pa ang ugnayang Sino-ASEAN at magkasamang lumikha ng mas magandang kinabukasan.
Sa kanya namang liham, sinabi ni Lim na natamo ng relasyong Sino-ASEAN ang napakahalagang bunga nitong 30 taong nakalipas, at ang estratehikong partnership ng dalawang panig ay naging isa sa pinakamahalaga at pinakamasiglang partnership ng rehiyon.
Ani Lim, ang pagtutulungan at pagkakatigan ng Tsina’t ASEAN sa pakikibaka laban sa COVID-19 at pagpapasulong ng panumbalik ng kabuhayan ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaibigan ng magkabilang panig. Umaasa aniya siyang patuloy na makikipagtulungan sa Tsina para ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Tsina't ASEAN, nakahandang iangat pa ang estratehikong partnership
CMG Komentaryo: Kalakalang panlabas ng Tsina, nagpapasigla sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig
2021 ASEAN Media Partners Forum, idinaos; Sec. Andanar at Amba. Sta. Romana, lumahok
Wang Yi at Lim Jock Hoi, nag-usap: kooperasyong Sino-ASEAN sa paglaban sa COVID-19, palalakasin
Pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN, dinaluhan ni Wang Yi