Responsibulidad ng Tsina at komunidad ng daigdig na turuan ang Amerika tungkol sa pantay na pakikitungo sa iba

2021-07-25 17:52:12  CMG
Share with:

Kasabay ng pagdaraos ng ikatlong round ng estratehikong diyalogo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Pakistan, Hulyo 24, 2021, sa lunsod Chengdu, lalawigang Sichuan, dakong timogkanluran ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na may komong responsibilidad ang Tsina at komunidad ng daigdig, na turuan ang Amerika tungkol sa pantay na pakikitungo sa iba.

 

 

Kaugnay nito, bago ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Tsina sa Hulyo 25 at 26, sinabi ni Wendy Sherman, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, na haharapin ng Amerika ang Tsina batay sa "posisyon ng lakas."

 

Bilang tugon, sinabi ni Wang, na laging gusto ng Amerika na gamitin ang lakas nito para pilitin ang ibang mga bansa, at ipinalalagay din ng Amerika na nakahihigit ito sa iba.

 

Pero ani Wang, walang isang bansa sa daigdig ang nakahihigit sa iba, at hindi tatanggapin ng Tsina ang ganitong palagay.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method