Ipinatalastas Huwebes, Hulyo 29, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pangunguluhan Agosto 5 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang unang pulong ng pandaigdigang porum ng kooperasyon sa bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng temang “Pagpapalakas ng Pandaigdigang Kooperasyon sa Bakuna, at Pagpapasulong ng Pantay at Makatwirang Pandaigdigang Pagbabahaginan ng Bakuna,” gaganapin ang nasabing pulong sa pamamagitan ng video link, dagdag ni Zhao.
Lalahok sa pulong ang mga Ministrong Panlabas ng mga kaukulang bansa; kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations (UN); at mga kinatawan ng mga kaukulang kompanya.
Bilang bahagi ng nasabing pulong, idaraos ngayong araw, Hulyo 29 ng mga bahay-kalakal ng bakuna ng Tsina at mga may-kaugnayang bansa ang enterprises dialogue meeting tungkol sa pandaigdigang kooperasyon sa bakuna.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Panibagong 1.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Tsina, inaprobahan ang paggamit ng inactivated COVID-19 vaccine para sa mga bata edad 3 hanggang 17
5 bilyong dosis, taunang kapasidad ng Tsina sa paggawa ng mga bakuna kontra COVID-19
Kasakiman ng Amerika sa pagtatago ng bakuna kontra COVID-19, iresponsable