Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Proceedings of the National Academy of Sciences ng Amerika, batay sa pananaliksik, ipinalalagay ng mga siyentistang Amerikano, na umabot sa 65 milyon ang aktuwal na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong Amerika, at halos doble ito kumpara sa opisyal na bilang na mahigit 33 milyon.
Ipinakikita nitong, kahit isang superpower sa daigdig, hindi pa nakokontrol ng Amerika ang epidemiya sa loob ng bansa, at ang bansang ito ay isang depekto sa pandaigdigang paglaban sa COVID-19.
Sa kabila ng kalagayang ito, hindi isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang mahigpit na hakbangin ng pagkontrol sa pagbyahe sa labas ng bansa ng mga mamamayan nito.
Ayon sa estadistika ng panig opisyal ng Amerika, mula Abril 2020 hanggang Marso 2021, umabot sa mahigit 23 milyong ang bilang ng paglalakbay ng mga Amerikano sa ibang bansa. Posibleng dalhin nila ang coronavirus sa iba’t ibang lugar ng daigdig.
Ang paglaban sa pandemiya ay komong responsibilidad ng buong sangkatauhan. Pero, hindi lamang nabigo ang Amerika sa pagkontrol sa epidemiya sa loob ng bansa, kundi ikinakalat din nito ang coronavirus sa buong daigdig. Higit sa lahat, isinasapulitika rin ng Amerika ang mga isyung may kinalaman sa pandemiya, na nagdudulot ng mga hadlang sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19.
Ang naturang mga ginawa ng Amerika ay iresponsable, at walang-paggalang sa agham. Lumalabag din ito sa obligasyong pandaigdig, at ipinagwawalang-bahala ang buhay ng mga tao ng buong daigdig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos