Tsina, tutol sa pananaig sa katayuan ng ASEAN

2021-08-05 16:04:07  CMG
Share with:

Inihayag nitong Miyerkules, Agosto 4, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng multilateralismo ang progreso ng panahon, at ito ay tumpak na landas para sa pagresolba sa mga masalimuot na problema.
 

Kumakatig aniya ang panig Tsino sa pagpapalabas ng mungkahi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay ng multilateralismo.
 

Aniya Wang, kasama ng iba’t ibang panig, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang kaayusang pandaigdig, na ang batayan ay pandaigdigang batas at sistemang pandaigdig, kung saan ang United Nations (UN) ang nukleo.
 

Samantala, dapat din aniyang bantayan ang iba’- ibang porma ng pekeng multilateralismo, at kailangang mariing tutulan ang paglulunsad ng bloc confrontation sa rehiyon, sa ngalan ng multilateralismo.
 

Saad ni Wang, walang dapat manaig sa katayuan ng ASEAN bilang sentro ng kooperasyong panrehiyon, at hindi ito nararapat palitan, dahil ang ASEAN ay mainam na mekanismo ng kooperasyon sa timogsilangang Asya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method