Mga think tank ng Tsina, naglabas ng ulat na pumupuna sa pagtugon ng Amerika sa pandemiya

2021-08-10 15:56:52  CMG
Share with:

Inilabas kahapon, Agosto 9, 2021, ng tatlong think tank ng Tsina na kinabibilangan ng Chongyang Institute for Financial Studies ng Renmin University, Taihe Institute, at Intellisia Institure, ang magkakasanib na ulat ng pag-aaral, na pumupuna sa pagtugon ng Amerika sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Anang ulat, nabigo ang Amerika sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at parehong pinakamalaki ang bilang ng mga kaso at namatay sa COVID-19 sa bansa. Pero anito, ipinalalagay pa rin ng ilang media sa bansa, na nangunguna ang Amerika sa daigdig pagdating sa pagtugon sa pandemiya.

 

Pinuna rin ng ulat ang ilang problema ng Amerika sa panahon ng pandemiya.

 

Halimbawa, hindi isinagawa ng Amerika ang mga mabisang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa virus, dahil sa pagtatalo ng mga Democrat at Republican sa isyung ito.

 

Inilabas ng Amerika ang mga impormasyon tungkol sa pandemiya na salungat sa common sense at siyentipikong kaalaman.

 

Nilikha ng Amerika ang mga teorya ng sabwatan tungkol sa pinagmulan ng coronavirus, na nagresulta sa pagkapoot at diskriminasyon sa mga Asyano.

 

At hindi isinabalikat ng Amerika ang responsibilidad sa paglaban sa pandemiya sa buong daigdig, na gaya ng pagkakaloob lamang ng kakaunting bakuna sa ibang mga bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method