Pagkaraang maganap ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinabi minsan ni Patrice Harris, dating Presidente ng American Medical Association, na kung ituturing ang paglaban sa pandemiya bilang digmaan, dapat igarantiya nating ang kaaway ay virus, sa halip na siyensiya.
Pero, hanggang sa kasalukuyan, ang makatwirang tinig na ito ay hindi pa katanggap-tanggap ng lipunan ng Amerika.
Ayon sa isang ulat ng pag-aaral na inilabas kamakailan ng mga think tank ng Tsina, dahil sa mga kapakanang pulitikal, pagtatalo ng mga Democrat at Republican, at iba pa, nagiging salungat sa common sense at siyentipikong kaalaman ang maraming politikong Amerikano pagdating sa pagtugon sa pandemiya.
Isinapulitika nila ang mga isyung pansiyensiya, na gaya ng pagsuot ng maskara, pagbabakuna, pagsasagawa ng social distancing, at iba pa.
Iniutos din ng White House ang intelligence department na isagawa ang umano'y imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus. At sa katotohanan, ito ay isang suliraning pansiyensiya na dapat isagawa ng mga siyentista.
Ang mga aksyong ito ng panig Amerikano ay pagyurak sa siyensiya, at pagwawalang-bahala sa buhay. Ang mga ito rin ay nagresulta sa pagkabigo ng Amerika sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Editor: Liu Kai