Tsina at UNDP, sinimulan ang proyekto ng pagtulong sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagtugon sa pandemiya

2021-08-14 16:04:41  CMG
Share with:

Tsina at UNDP, sinimulan ang proyekto ng pagtulong sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagtugon sa pandemiya_fororder_235174238_4657271630969353_4647283860243595415_n

 

Sa pagpopondo ng South-South Cooperation Assistance Fund, sinimulan ng China International Development Cooperation Agency at United Nations Development Programme (UNDP) ang proyekto ng pagtulong sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagtugon sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa online na seremonya ng paglulunsad ng proyekto na idinaos kahapon, Agosto 13, 2021, isinalaysay ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na sa pamamagitan ng proyektong ito, ipagkakaloob ng Tsina sa Pilipinas ang mga sulong na kagamitan sa paghahawak ng mga basurang medikal, at may kinalamang pagsasanay. Layon nito aniyang palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa paghahawak ng napakalaking bolyum ng mapanganib na mga basurang medikal na nililikha ng pandemiya.

 

Tsina at UNDP, sinimulan ang proyekto ng pagtulong sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagtugon sa pandemiya_fororder_233746958_4657271657636017_8794330112357354789_n

 

Pinasalamatan naman ni Kalihim Francisco Duque III ng Kagawaran ng Kalusugan ang panig Tsino at UNDP sa pagkakaloob ng mga kagamitan at pagbabahagi ng karanasan sa aspekto ng paghahawak ng mga basurang medikal, na nagdudulot ng palubha nang palubhang epekto sa kapaligiran ng Pilipinas.

 

Ipinahayag naman ni Selva Ramachandran, Resident Representative ng UNDP sa Pilipinas, na mahalaga ang proyektong ito para pabutihin ng Pilipinas ang sistema ng pangangasiwa ng mga basurang medikal, at palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa pandemiya. Pinasalamatan din niya ang pamahalaang Tsino sa pagsuporta at pagbibigay-ambag sa proyektong ito, bilang kauna-unahang magkasanib na proyekto ng dalawang panig sa Pilipinas.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method