Ngayong araw sa kasaysayan: Pagpirma ng U.S.-PRC Joint Communique (1982) o August 17th Communique

2021-08-17 14:56:58  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagpirma ng U.S.-PRC Joint Communique (1982) o August 17th Communique_fororder_20210817Taiwan600

Noong Agosto 17, 1982, nilagdaan ng Amerika at Tsina ang U.S.-PRC Joint Communique (1982) o ang August 17th Communique tungkol sa isyu ng pagbebenta ng sandata sa Taiwan.

Matatandaang sa panahong itinatag ng Amerika at Tsina ang relasyong diplomatiko noong taong 1979, dahil sa di pagkakasundo ng kapwa panig, itinigil ang talastasang Sino-Amerikano tungkol sa pegbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan.

Nang magsimula ang termino ni Pangulong Ronald Reagan, patuloy na tinalakay ng dalawang bansa ang nasabing isyu. Matapos ang mahabang proseso ng talastasan, ipinalabas ng Tsina at Amerika ang nasabing komunike.

Sa komunikeng ito, inulit ng pamahalaang Tsino na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Inulit naman ng pamahalaang Amerikano na wala itong intensyong panghimasukan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, wala itong intensyong pakialaman ang suliraning panloob ng Tsina, at wala itong intensyong ipatupad ang patakarang "Dalawang Tsina" o "Isang Tsina, Isang Taiwan."

Ipinahayag pa ng Amerika sa komunike ang kahandaan nitong unti-unting bawasan ang bilang ng ibenebenta nitong sandata sa Taiwan hanggang maisakatuparan ang komprehensibong kalutasan ng isyung ito sa huli.

Hanggang sa panahong iyon, pansamantalang binigyang-wakas ang talastasang Sino-Amerikano tungkol sa pagbebenta ng Amerika ng sandata sa Taiwan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method