Sensasyonalismo ng paghahanap sa pinagmulan ng coronavirus, manipulasyon at palabas lamang ng mga pulitiko’t media ng Amerika— Amerikanong iskolar

2021-08-18 15:51:45  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ni Kenneth J. Hammond, Propesor ng New Mexico State University ng Amerika, na ang sensasyonalismo ng paghahanap sa pinagmulan ng SARS Cov-2, virus na nagdudulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay isang manipulasyon at palabas lamang ng mga pulitiko’t media ng Amerika.
 

Aniya, layon nitong ibaling ang pansin ng publiko sa iba para matakpan ang tagumpay ng Tsina sa paglaban sa pandemiya.
 

Dagdag niya, ang praktika ng Tsina sa paglaban sa pandemiya ay modelong karapat-dapat na tularan ng buong mundo, pero tinatangka ng Amerika at mga kaalyansa nitong gipitin ang Tsina, sa pamamagitan ng isyu ng origin-tracing.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method