Ayon sa magpagkakatiwalaang source, hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang substansiyal na progreso ang imbestigasyon ng mga intelligence agency ng Amerika hinggil sa pinagmulan ng SARS Cov-2, virus na nagsasanhi ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Pero sa kabila nito, binabalak pa rin ng panig Amerikano na ilabas ang ulat ayon sa nakatakdang iskedyul, at lutuin ang mapanlinlang na konklusyong, “tumagas ang virus” mula sa Wuhan Institute of Virology (WIV).
Para sa matataas na opisyal ng pamahalaang Amerikano, layon ng imbestigasyon na gawing moro-moro ang pagsisiyayat sa pinanggalingan ng virus upang ubusin ang yamang diplomatiko at pasamain ang imahe ng Tsina, at dagdagan ang bentahe ng Amerika laban sa Tsina.
Kaugnay nito, inihayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung totoo ang nasabing ulat, ito ay mistulang pag-amin ng Amerika sa manipulasyon sa presumption of guilt.
Aniya, ang mahalaga para sa panig Amerikano ay kung paano siraan ang Tsina, at hindi ang paghahanap ng katotohanan.
Dagdag niya, sa mula’t mula pa’y kinakatigan at patuloy na lalahukan ng panig Tsino ang siyentipikong origin-tracing, at buong tatag na tinututulan ang pagsasapulitika nito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio