63 miyembro ng tropang pamayapa ng Tsina, ginawaran ng UN Peace Medals of Honor

2021-10-02 15:04:58  CMG
Share with:

63 miyembro ng tropang pamayapa ng Tsina, ginawaran ng UN Peace Medals of Honor_fororder_微信截图_20211002132812

 

Animnapu’t tatlong miyembro (63) ng ika-11 batch ng medikal na grupong pamayapa ng Tsina na nakatagala sa South Sudan ang ginawaran ng United Nations (UN) ng Peace Medals of Honor.

 

Anila, patuloy pa rin ang misyong pamayapa, at nakahanda silang harapin  ang mas malaking hamon sa pamamagitan ng propesyonal na gawain at mataimtim na sigasig para walang humpay na makapag-ambag para sa misyong pamayapa ng daigdig.

 

Sapul nang madestino ang grupo sa South Sudan noong Nobyembre  2020, sa kabila ng kahirapang dulot ng kapaligiran at pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mahigit 1,000 may-sakit ang kanilang nagamot.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method