Tsina at Amerika, pasusulungin ang pagbalik ng relasyon sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad

2021-10-07 15:37:15  CMG
Share with:

Tsina at Amerika, pasusulungin ang pagbalik ng relasyon sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad_fororder_7fd1a4cb300949069a3eb34d4566fb4d

 

Nagtagpo kahapon, Oktubre 6, 2021, local time, sa Zurich, Switzerland, sina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Jake Sullivan, Tagapayo sa Pambansang Seguridad ng Amerika.

 

Isinagawa ng dalawang opisyal ang komprehensibo, buong tapat, at malalim na pagpapalitan ng palagay tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Konstruktibo ang pagtatagpo, at makakabuti ito sa pagdaragdag ng pag-uunawaan ng dalawang panig sa isa't isa.

 

Sinang-ayunan ng kapwa panig, na isagawa ang mga aksyon, para ipatupad ang diwa ng pag-uusap sa telepono ng mga lider ng dalawang bansa noong Setyembre 10, palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, maayos na kontrulin ang mga pagkakaiba, iwasan ang sagupaan at komprantasyon, isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Tinukoy ni Yang, na ang mabuting pakikitungo ng Tsina at Amerika sa isa't isa ay may kinalaman hindi lamang sa saligang kapakanan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, kundi rin sa kinabukasan ng buong mundo. Ang kooperasyon ay magdudulot ng benepisyo sa dalawang bansa at daigdig, at ang komprantasyon naman ay magdudulot ng pinsala, dagdag niya.

 

Hinimok ni Yang ang panig Amerikano na magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa esensya ng win-win sa relasyong Sino-Amerikano, at ng tumpak na pagkaunawa sa mga patakarang panloob at panlabas at mga estratehikong intensyon ng Tsina.

 

Tinututulan aniya ng panig Tsino na ituring na "kompetetibo" ang relasyong Sino-Amerikano.

 

Ipinahayag ni Yang, na pinahahalagahan ng panig Tsino ang positibong pahayag tungkol sa relasyong Sino-Amerikano na inilabas kamakailan ni Pangulong Joe Biden, na gaya ng walang intensyon ang Amerika na pigilan ang pag-unlad ng Tsina, at hindi isasagawa ang "new cold war."

 

Umaasa aniya ang Tsina, na isasagawa ng Amerika ang makatwiran at pragmatikong patakaran sa Tsina, at igagalang kasama ng Tsina ang mga nukleong kapakanan at malaking pagkabahala ng isa’t isa, para tumahak ang dalawang bansa sa landas ng paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon.

 

Inilahad din ni Yang ang posisyon ng Tsina tungkol sa Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, Tibet, karapatang-pantao, at mga isyung pandagat. Hiniling niya sa panig Amerikano na igalang ang soberanya, seguridad, at kapakakan sa pag-unlad ng Tsina, at itigil ang paggamit ng naturang mga isyu para maki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ipinahayag naman ng panig Amerikano ang paggigiit sa patakarang Isang Tsina.

 

Nagpalitan din ng palagay ang dalawang opisyal tungkol sa pagbabago ng klima.

 

Sinang-ayunan din nilang panatilihin ang diyalogo at komunikasyon para sa mga mahalagang isyu.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method