Nagtagpo Oktubre 6, 2021, sa Zurich, Switzerland, sina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Jake Sullivan, Tagapayo sa Pambansang Seguridad ng Amerika.
Sinang-ayunan ng kapwa panig, na isagawa ang mga aksyon, para ipatupad ang diwa ng pag-uusap sa telepono ng mga lider ng dalawang bansa noong Setyembre 10, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Sa nabanggit na pag-uusap, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mabuting relasyong Sino-Amerikano ay siyang tanging pagpili ng dalawang bansa. Inilabas naman ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang signal para sa pagsasagawa ng diyalogo at kooperasyon ng Amerika at Tsina.
Sa pagtatagpo nina Yang at Sullivan, ipinahayag ng dalawang panig ang komong kahandaang palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, maayos na kontrulin ang mga pagkakaiba, iwasan ang sagupaan at komprantasyon, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan. Ang mga ito ay susi para sa maayos na paghawak ng relasyong Sino-Amerikano.
Sa taong ito, isinagawa na ng mga mataas na opisyal ng Tsina at Amerika ang dalawang face-to-face na pag-uusap sa Anchorage at Zurich. Ipinakikita nito ang kahandaan ng dalawang bansa sa diyalogo at kooperasyon, na inaasahan ng buong daigdig.
Para maiwasan ang sagupaan at komprantasyon, at maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, kailangang panatilihin ng Tsina at Amerika ang regular na diyalogo at komunikasyon, at pabilisin ang pagpapatupad ng mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Higit sa lahat, dapat isagawa ng panig Amerikano ang mga aktuwal na aksyon sa lalong madaling panahon.
Editor: Liu Kai