Ipinatalastas kahapon si Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakatakdang idaos sa ika-21 ng Oktubre 2021 ang kauna-unahang pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at islang bansa ng Pasipiko sa pamamagitan ng video link.
Pangunguluhan ni Wang Yi, State Councilor at Ministrong Panlabas ng Tsina ang nasabing pulong, dagdag ni Wang.
Aniya, magpapalitan ng palagay ang mga delegado ng Tsina at mga islang bansa ng Pasipiko hinggil sa mga usaping gaya ng diplomatiko at bilateral relasyon, paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), rehiyonal at internasyonal na kooperasyon, at iba pang larangan.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio
Wang Yi, nagtalumpati sa video conference hinggil sa papel ng Tsina sa UN
Tsina: Dapat ipaliwanag ng Amerika ang insidente ng pagbangga ng USS Connecticut sa South China Sea
Positibong tunguhin ng relasyong Sino-Europeo, dapat patibayin — Wang Yi
Tsina, tutol sa lahat ng power politics at hindi natatakot sa anumang panggigipit—Wang Yi