Tsina, umaasang patitingkarin ng iba’t ibang panig ng Asya-Pasipiko ang lakas-panulak para sa sustenableng pagbangon ng kabuhayan ng mundo

2021-11-12 16:12:15  CMG
Share with:

Ginaganap ngayong araw, Nobyembre 12, 2021 ang ika-28 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
 

Tungkol dito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asa ng panig Tsino na igigiit ng iba’t ibang panig ng Asya-Pasipiko ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko, pasusulungin ang pagpapatupad ng APEC Putrajaya Vision 2040, patitingkarin ang lakas-panulak para sa paglaban sa pandemiya at sustenableng pagbangon ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at buong mundo, at gagawin ang positibong ambag para sa komong kaunlaran at kasaganaan ng Asya-Pasipiko.
 

Aniya, bilang mahalagang miyembro ng Asya-Pasipiko, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang papel ng APEC bilang mahalagang plataporma ng kooperasyong pangkabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
 

Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, na magpunyagi upang mapasulong ang pagtamo ng nasabing pulong ng positibong bunga, saad ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method