Xi Jinping, nanawagan para sa tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng BRI

2021-11-20 17:08:30  CMG
Share with:

Xi Jinping, nanawagan para sa tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng BRI_fororder_bf84ef0e719e426abb83a06a7a298b25

 

Sa simposyum tungkol sa Belt and Road Initiative (BRI) na idinaos kahapon, Nobyembre 19, 2021, sa Beijing, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasulungin ang tuluy-tuloy at de-kalidad na pag-unlad ng naturang inisyatiba sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap.

 

Ang taong ito ay ika-8 anibersaryo ng pagharap ng Tsina ng BRI. Kaugnay nito, sinabi ni Xi, na idinudulot ng BRI ang mutuwal na kapakinabangan sa mga kalahok na bansa, at makakatulong din ito sa pagbubukas at komong pag-unlad.

 

Para pasulungin ang kooperasyon sa ilalim ng BRI, pag-iibayuhin ng Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, ang pagkokoordina sa mga patakaran, at palalakasin ang papel nito sa mga aspekto ng imprastruktura, kalakalan, pinansyo, at pagpapalitan ng mga mamamayan, dagdag ni Xi.

 

Iminungkahi rin niyang, palalawakin ang mga larangan ng kooperasyon ng BRI, na gaya ng pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), low-carbon na pag-unlad, at e-commerce.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method