Limang dekada sa UN para sa mas mainam na mundo: Belt and Road Initiative, nagpapasulong ng konektibidad, pagtutulungan at komong kaunlaran

2021-10-26 18:33:13  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).

 

Nitong limang dekadang nakalipas, aktibo ang Tsina sa paghahain ng palagay, paninindigan at mungkahi hinggil sa mga pandaigdig na kalagayan. Kasabay nito, nakikilahok din ito sa mga multilateral na usapin sa iba’t ibang larangan. Layon nitong magbigay ng karapat-dapat na ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Noong 2013, inilunsad ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI). Noong Nobyembre 17, inilakip ito sa resolusyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN (UNGA). Noong Setyembre 11, 2017, pinagtibay ng Ika-71 Sesyon ng UNGA ang resolusyon, kung saan inilalagay sa ideya ng pandaigdig na pangangasiwa sa kabuhayan ang prinsipyong “magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag at magkakasamang pagbabahaginan”ng BRI.

 

Limang dekada sa UN para sa mas mainam na mundo: Belt and Road Initiative, nagpapasulong ng konektibidad, pagtutulungan at komong kaunlaran_fororder_图片7

Noong Setyembre 28, 2021, inilunsad ng Shanghai ang unang  China-Europe freight train mula Shanghai papuntang Hamburg, Alemanya.

 

Ang BRI ay naglalayong lumikha ng pagkakataon para sa komong kaunlaran sa limang aspeto na kinabibilangan ng pagpapalalim ng pag-uugnay ng mga patakaran, pagpapabilis ng konektibidad ng mga imprastruktura, pagpapaginhawa ng kalakalan, pagpapasulong ng daloy ng pondo, at paglalapit ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Hanggang Agosto, 2021, nilagdaan ng Tsina at 172 pandaigdig na organisasyon at bansang dayuhan na kinabibilangan ng Pilipinas ang mga kasunduan sa ilalim ng BRI. Maraming proyektong pangkooperasyon ang pinasinayaan at ilan sa mga ito ang natapos na sa ilalim ng sinerhiya ng BRI at Build Build Build program ng Pilipinas.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method