Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing

2021-11-23 15:14:12  CMG
Share with:

 

 

“Isang malaking pamilya ang turingan sa ALC,” ito ang damdamin kapag dumadalo  sa  ASEAN Ladies Circle (ALC) tea gathering si Madame Sih Elwisi Oratmangun, kabiyak ng Indonesian Ambassador sa Tsina at Mongolia.  

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123153718

 

Ngayong Nobyembre, Pilipinas ang naka-toka sa buwanang  tradisyon ng  mga diplomatang kababaihan mula sa mga bansang Timogsilangang Asya.

 

Si Wisanee Teeramungcalanon ay asawa ng Thai diplomat. Aniya, ang ALC ay magandang pagkakataon para magka-kila-kilala, magpakita ng kultura at tradisyon at magbahagi ng mga natatanging bagay tungkol sa sariling bansa.

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123153624

Si Mrs. Wisanee Teeramungcalanon (kanan) at Mac Ramos habang pinupuno ng kanilang mga bagong kakilala ang Human Bingo card

 

Wala pang isang taon sa Beijing si Kartika Fitri mula sa Indonesia. Regular na dinadaluhan niya ang pagtitipon ng ALC.  First time niyang dumalo  sa Philippine Embassy ALC at ang kapuna-puna para sa kanya ay ang komunikasyon sa audience o dumadalo sa pagtatanghal. Numero uno ito  kumpara sa lahat ng ALC parties, saad niya.

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123153533

Si Mrs. Katrika Fitri hawak ang kanyang napanalunang payong sa Human Bingo

 

Dahil ang pakiramdam ay isang party ng pamilya, game na game na kumanta ang mga ambassadors mula Brunei at Indonesia. Pero di nagpahuli si Madame Oratmangun at inawit, sa sorpresa ng marami, ang kanta ng  Pinoy 70s singer at matinee idol  na si Eddie Perigrina. Sumikat sa Indonesia ang kantang  Two Lovely Flowers at ito ay gustong-gusto ni Mrs. Oratmangun noong high school siya.

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123153600

Si Madame Sih Elsiwi Oratmangun habang inaawit ang Two Lovely Flowers

 

Batay sa piling reaksyon ng mga dumalo, pwedeng sabihing matagumpay ang pagho-host ng Embahada ng Pilipinas ng ALC tea party sa buwang ito. Sa kanyang remarks, ibinahagi ni  Philippine Ambassador Jose Santiago Sta. Romana na ang mga kababaihan ng embassy mismo ang nagluto ng mga pagkain. Mga diplomata rin ng pasuguan mismo ang nagbahagi ng talento sa pagsayaw at pagkanta.

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123153749

Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana (naka-asul na barong) kasama ang mga diplomatang ASEAN at kani-kanilang maybahay

 

Ang tema ng pagtitipon ay“The Warmth of the Tropics in Beijing”ayon kay Ambassador Sta. Romana.   Hangad ng mga kababaihan ng Pasuguan ng Pilipinas na ipadama ang init ng pusong Pinoy sa  panahon ng taglamig sa Beijing.

 

Sa puso ng  ALC, pahayag pa ng embahador na Pilipino sa Tsina, ay ang pangakong palawigin ang pagkakapantay ng kasarian at ang pagsulong ng kababaihan at mga bata sa rehiyong ASEAN sa pamamagitan ng pagkakaibigang umuusbong sa pagtitipon kada buwan.

 

Aniya pa, tuwing nababasag ng isang babae ang glass ceiling o ang mga hadlang sa kaniyang pag-angat ng katayuan, nagbibigay-sinag ito sa iba pang mga kababaihang nagbubukas ng oportunidad para sa pag-unlad ng lahat.

 

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_202111231608354

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_20211123160835

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_202111231608355

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_202111231608351

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_202111231608352

Init ng Pusong Pinoy, ipinadama sa pagtitipon ng ASEAN Ladies Circle sa Beijing_fororder_微信图片_202111231608353

Ilang larawan ng pagtatanghal

 

 

Ulat: Machelle Ramos

Video: Sissi/Mac

Patnugot sa nilalaman: Jade/Mac

Patnugot sa website: Jade

Larawan: Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing

Please select the login method