"Diplomatikong boykot" sa Beijing Winter Olympics, pulitikal na panggugulo ng Amerika

2021-12-07 17:40:29  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Disyembre 6, 2021, ng tagapagsalita ng Permanenteng Misyon ng Tsina sa United Nations, na ang umano'y "diplomatikong boykot" sa Beijing Winter Olympics ay pulitikal na panggugulo ng Amerika, at ang tagumpay ng palarong ito ay walang kinalaman sa paglahok o hindi ng mga opisyal ng pamahalaang Amerikano.

 

Winika ito ng nabanggit na tagapagsalita, bilang tugon sa pahayag ng administrasyon ni Joe Biden, na hindi dadalo sa Beijing Winter Olympics ang mga opisyal ng pamahalaang Amerikano.

 

Sinabi rin ng tagapagsalita, na layon ng naturang desisyon ng panig Amerikano, na isapulitika ang palakasan, likhain ang grupo-grupo, at pukawin ang komprontasyon.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method