Pag-aangkat ng Tsina noong Nobyembre, lumaki ng 32% kumpara sa 2020; 22%, paglaki ng pagluluwas

2021-12-07 15:31:59  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng adwana ngayong araw, Disyembre 7, 2021, kapuwa nahigitan ang ekspektasyon sa paglago ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong nagdaang Nobyembre.

Pag-aangkat ng Tsina noong Nobyembre, lumaki ng 32% kumpara sa 2020; 22%, paglaki ng pagluluwas_fororder_20211207kalakalan1

Kabilang dito, lumaki ng 31.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang pag-aangkat ng bansa, at ito ay mas mataas kaysa pagtaya ng Reuters na 19.8%.

Pag-aangkat ng Tsina noong Nobyembre, lumaki ng 32% kumpara sa 2020; 22%, paglaki ng pagluluwas_fororder_20211207kalakalan2

Samantala, kasabay ng pagbangon ng industriya ng pagyari, sa kabila ng problema sa kuryente, umabot sa 22% naman ang paglago ng pagluluwas, na mas mataas din kaysa pagtaya ng Reuters na 19%.
 

Umabot sa 579.34 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina noong Nobyembre, at ito ay lumaki ng 26.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Bukod dito, 71.72 bilyong dolyares ang buwanang trade surplus, na bumaba ng 3.4% kumpara noong Nobyebre ng 2020.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method