Karagdagang 2 milyong Sinovac vaccines na donasyon ng Tsina, dumating ng Pilipinas

2021-12-15 14:20:54  CMG
Share with:

Karagdagang 2 milyong Sinovac vaccines, dumating ng Pilipinas_fororder_20211215Sinovac1600

Dumating ng Manila nitong Martes, Disyembre 14, 2021 ang ika-5 pangkat na 2 milyong bakunang gawa ng Sinovac kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na donasyon ng pamahalaang Tsino sa Pilipinas upang tulungan itong pabilisin ang pagsasagawa ng vaccination program.

Sa Manila Ninoy Aquino International Airport (NAIA), pormal na ibinigay ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang nasabing pangkat ng bakuna sa panig Pilipino.

Karagdagang 2 milyong Sinovac vaccines, dumating ng Pilipinas_fororder_20211215Sinovac3600

Pinasalamatan ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang muling pagbibigay ng libreng bakuna ng Tsina.

Sinabi niya na naniniwala ang napakaraming Pilipino sa bakunang Tsino. Umaasa aniya siyang patuloy na gagamitin ang bakunang Tsino bilang booster shots.

Matatandaang noong Pebrero 28, dumating ng Manila ang unang pangkat ng bakunang donasyon ng Tsina sa Pilipinas. Hanggang sa ngayon, nakuha na ng Pilipinas ang mahigit 52 milyong bakuna ng Sinovac na pinakamalaking tatak ng bakuna na kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas.

Karagdagang 2 milyong Sinovac vaccines, dumating ng Pilipinas_fororder_20211215Sinovac2600

Opisyal na pinasimulan ng Pilipinas noong unang araw ng Marso ng kasalukuyang taon ang plano ng pagbabakuna.

Hanggang noong Disyembre 13, 2021, natanggap na ng mahigit 38 milyong Pinoy ang 2 dosis na bakuna na katumbas ng 35% ng buong populasyon ng bansang ito.

Noong nagdaang Nobyembre, inaprobahan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccines bilang booster shots sa bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: Embahadang Tsino sa Pilipinas

Please select the login method