Talastasang nuklear ng Iran at Amerika, sinimulan

2021-12-28 16:32:42  CMG
Share with:

Balik negosasyon na sa Vienna ang mga opisyal ng Iran at Amerika para sa ika-8 round ng talastasang nuklear na naglalayong mapasigla ang kasunduang nuklear ng Iran at mga malalaking bansa.
 

Sa ngalan ng Tsina, dumalo sa talastasan ang delegasyon ng Tsina na pinamumunuan ni Wang Qun, Embahador ng Tsina sa UN at ibang organisasyong pandaigdig.
 

Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, kailangang magsikap ang lahat ng panig para mapalawak ang komong palagay at tumpak na hawakan ang pagkakaiba. Sa isyung nuklear ng Iran at mga may kinalamang isyu ng pagpigil ng pagpapalaganap ng sandatang nuklear, hindi dapat pahalagahan ang sariling interes lamang at gamitin ang double stardard, lalo na, ang bantaan o isagawa ang bagong sangsyon sa Iran.
 

Patuloy at buong tatag na kinakatigan ng Tsina ang pagpapanumbalik ng talastasan ng Iran at Amerika at magsikap kasama ng lahat ng panig para mapasulong ang talastasan nang matamo ang positibong bunga, dagdag pa ni Wang.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method