Sa katatapos na taunang central rural work conference ng Tsina, ginawa ang plano hinggil sa pagpapabuti ng mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at magsasaka ng bansa sa susunod na taon.
Ipinagdiinan sa pulong ni Tang Renjian, Ministro ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina, na dapat igarantiya muna ang katatagan ng saklaw ng pagtatanim ng pagkaing-butil, at itatag ang mga bukirin na may mataas na pamantayan at masaganang ani kahit may baha o tagtuyot.
Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, umabot sa 682.85 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng bansa sa taong 2021, at ito ay lumaki ng 2% kumpara noong 2020.
Ito ang ika-7 taong singkad na nanatiling 650 milyong tonelada pataas ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina.
Samantala, tinayang lalampas sa 18,000 yuan RMB ang karaniwang taunang kita ng mga magsasakang Tsino sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera
Pulido: Mac