Mga 11 trilyong yuan, halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at 14 na kasapi ng RCEP sa unang 11 buwan ng 2021

2021-12-30 15:45:53  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Miyerkules, Disyembre 29, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 10.96 na trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at 14 na kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa unang 11 buwan ng 2021.

Ito ay katumbas ng 31% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.

Kabilang sa mga kasaping bansa ng RCEP ay Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at 10 bansa ng Association of Southeast Asian nations (ASEAN).

Magkakabisa ang RCEP sa unang araw ng Enero ng susunod na taon.

Ayon pa sa datos, 35.87 oras ang karaniwang tagal ng import custom clearance ng Tsina na bumaba ng 63.17% kumpara sa taong 2017.

Samantala, 1.57 oras naman ang karaniwang tagal ng export custom clearance ng bansa na bumaba ng 87.23% kumpara sa taong 2017.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method