Ang Abril 24 ay Space Day ng Tsina.
Hinggil dito, ipinahayag ni Wu Yanhua, Pangalawang Puno ng China National Space Administration, na pinaplanong itayo ng Tsina ang sistema ng pagtatanggol sa mga near earth object (NEO) para harapin ang posibleng hamon ng pagbangga ng mga near earth asteroid at piraso ng mga nasirang satellite at spacecraft sa mundo.
Sinabi ni Wu na kasunod ng pagdami ng iba’t ibang uri ng satellite at spacecraft, dumarami rin ang mga piraso sa kalawakan na dulot ng mga ito.
Ito aniya ay magdudulot ng mas malaking hamon sa mga susunod na paglulunsad ng mga satellite at spacecraft at normal na operasyon ng mga ito sa orbita.
Ani Wu, layon ng pagtatatag ng nasabing sistema na igarantiya ang maayos at ligtas na operasyon ng mga spacecraft sa kalawakan.
Ang Abril 24, 2022 ay ika-52 anibersaryo ng pagdiriwang sa matagumpay na paglulunsad "Dongfanghong-1."
Ito ang unang satellite na inilunsad ng Tsina sa kalawakan noong Abril 24, 1970.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio