Sa kanyang talumpati sa espesyal na pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) hinggil sa isyu ng Ukraine nitong Huwebes, Mayo 12, 2022, hinimok ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva at Ibang Organisasyong Pandaigdig sa Switzerland, ang iba’t ibang panig na magkasamang katigan ang diyalogo at talastasan ng Rusya at Ukraine, at buuin ang balanse, mabisa at sustenableng pandaigdig at rehiyonal na estrukturang panseguridad, batay sa komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng ideolohiyang panseguridad.
Nanawagan siyang igiit ang tunay na multilateralismo, at magkasamang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.
Aniya, sinusuportahan ng panig Tsino ang lahat ng mga mungkahi at hakbanging makakatulong sa pagpapahupa ng makataong krisis ng Ukraine, at nanawagan sa mga naghahablang panig na igalang ang International Humanitarian Law, at isagawa ang aktuwal na aksyon para ipagtanggol ang kaligtasan ng mga sibilyan at igarantiya ang pundamental na karapatan at makataong pangangailangan ng mga babae, bata at mahihinang grupo.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Rusya: Layon ng tulong ng Amerika sa Ukraine na ilunsad ang Proxy War
Guterres, ikinalugod ang nagkakaisang panawagan para sa kapayapaan sa Ukraine
Isyu ng Ukraine, sinuri ng UNSC; Tsina nanawagan ng tigil-putukan
Paglikas ng mga sibilyan mula sa Azovstal Steel Plant, tinalakay ng pangulo ng Ukraine at hepe ng UN
Situwasyon sa Ukraine, tinalakay ng mga lider ng Rusya at Pransya