Wang Yi, nanawagang palalimin ang kooperasyon ng Tsina, Timog Korea at Hapon

2022-06-14 16:33:06  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa International Forum on Trilateral Cooperation ngayong araw, Hunyo 14, 2022, nanawagan si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng Tsina, Timog Korea at Hapon.


Hinimok ni Wang ang Timog Korea at Hapon na palalimin ang pagtitiwalaang pilitikal sa Tsina at palawakin ang kanilang mga aktuwal na kooperasyon.


Bukod dito, idiniin ni Wang na dapat pahigpitin ang kanilang people-to-people exchanges.