Mga droga at kemikal sa paggawa ng droga, sinunog ng Myanmar

2022-06-27 15:12:12  CMG
Share with:

Kasabay ng pagdaraos kahapon, Hunyo 26, 2022 ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, magkakahiwalay na ginanap ng Central Committee for Drug Abuse Control ng Myanmar ang mga aktibidad ng pagsira sa droga sa mga lunsod na gaya ng Yangon, Mandalay at Taunggyi.

 



Ayon sa ulat ng Myanmar News Agency, sinunog ng naturang tatlong lunsod ang 79 na uri ng droga at materyal na kemikal para sa pagyari ng droga, na kinabibilangan ng mahigit 2,650 kilogramo ng opyo, mahigit 1,940 kilogramo ng heroina at lampas sa 23,600 kilogramo ng drogang kung tawagin ay “ice.”

 


Salin: Vera

 

Pulido: Rhio