CMG Komentaryo: Tangka ng NATO na guluhin ang daigdig, may isa na namang matibay na ebidensya

2022-07-01 12:41:38  CMG
Share with:

Sa pinakahuling estratehikong dokumentong pinagtibay nitong Miyerkules, Hunyo 29, 2022 sa Summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Madrid, Espanya, ipinahayag na ang Tsina ay isang “sistematikong hamon sa Europa-Atlantiko.”

 

Ito ay isa pang matibay na ebidensya sa pagbaligtad ng NATO sa tama at mali, paglikha ng imahenaryong kaaway, at pag-udyok ng komprontasyon.

 

Pinatutunayan din nito, na bilang natitirang masamang elemento ng Cold War, ang NATO ay tunay na sistematikong hamon sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 

Hindi kailaman nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, nagluluwas ng sariling ideolohiya, nagsasagawa ng long-arm jurisdiction, economic coercion at unilateral na sangsyon, paano ito nagdudulot ng “sistematikong hamon” sa NATO?

Tinatawag ng NATO ang sarili bilang “organisasyong pandepensa,” pero sa katunayan, paulit-ulit itong tumaliwas sa pangakong hindi magpapalawak ng sakop sa silangang Europa, at paulit-ulit ding naglunsad ng mga digmaan sa mga soberanong bansa, liban sa United Nations Security Council (UNSC).

 

Ang NATO ay 100% “marahas na organisasyon.”

 

Sa katatapos na summit sa Madrid, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga kasaping bansa ng NATO ang imbitasyon ng pagsapi sa Finland at Sweden, at ito ay nangangahulugang sisimulan ng NATO ang ika-6 na round ng ekspansyon.

 

Pinatutunayan ng kasaysayan na ang bawat round ng ekspansyon ng NATO ay nakakapagpasidhi ng pangkalahatang kalagayang panseguridad ng Europa.

Sino ang hamon sa seguridad? Sino ang nagsasapanganib sa kapayapaan?

 

Sa harap ng katotohanan, ang NATO ay walang espasyo para sa anumang katuwiran.

 

Ang NATO ang nanggugulo sa Europa, at pero hindi nito dapat tangkaing guluhin ang Asya-Pasipiko at buong daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio