Mula Hulyo 25 hanggang 30, 2022, gaganapin sa Haikou, lalawigang Hainan ng Tsina, ang Ika-2 China International Consumer Products Expo (CICPE).
Sa kabuuang saklaw na 100 libong metro kuwadrado, aakomodahan ng sona ng pagtatanghal ang mahigit 1,600 tatak mula sa 61 bansa’t rehiyon.
Ayon sa namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, kapuwa ang lawak ng tanghalan at dami ng lalahok ay malinaw na mas malaki at mas marami kumpara sa nagdaang ekspo.
Aniya, sisikapin ng Tsina na gawing mahalagang plataporma ang nasabing eskpo tungo sa pagpapalawak ng kalakalan ng iba’t ibang bansa, pagpapalakas ng kooperasyon, at pagpapasulong sa kaunlaran.
Handang tanggapin ng Tsina ang mga kompanya ng iba’t ibang bansa upang makibahagi sa mabuting pagkakataong hatid ng merkadong Tsino, at magkaloob ng bagong lakas-panulak para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pag-ahon ng merkadong Tsino, pinasisigla ng digital consumer voucher
BFA: RCEP at Hainan FTP, magdudulot ng malaking benepisyo sa Asya
CMG Komentaryo: Hainan Free Trade Port, saksi sa patuloy na lumalawak na pagbubukas ng Tsina
Pagtatatag ng primera klaseng spacecraft launch site, inutos ng pangulong Tsino