Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina na inilabas nitong Biyernes, Setyembre 30, 2022, tumaas sa 50.1 ang purchasing managers' index (PMI) ng sektor ng pagyari ng bansa sa buwan ng Setyembre, mula 49.4 noong Agosto, at bumalik ito sa antas ng ekspansyon.
Ang lampas 50 na PMI ay nangangahulungan ng ekspansyon, samantala ang mababa sa 50 na PMI naman ay nagpapakita ng pagliit.
Ipinakikita rin ng datos na bumaba sa 50.6 ang PMI ng non-manufacturing sector ng Tsina, mula 52.6 noong Agosto.
Salin: Vera
Pulido: Mac