Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon:May harmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan

2022-10-22 11:17:26  CMG
Share with:



“Ang may harmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan ay isa sa katangian ng pagtatatag ng Tsina ng sosyalistang modernisasyon na nagbibigay ng parehong pagpapahalaga sa pagpapasulong ng materyal na sibilisasyon at ekolohikal na sibilisasyon.”--Xi Jinping


Alam nyo ba kung paano inilarawan ang salitang harmonya sa sinaunang piktograpong karakter na Tsino? Ang karakter na 谐 ay sumasagisag ng instrumentong musikal na Pai Xiao at dalawang taong tila umaawit, na nagpapahiwatig ng sama-samang pagtugtog ng mga tao ng magandang musika. Kalaunan, sumasalamin ito ng harmonya ng mga tao at harmonya ng tao at kalikasan.


Ang maharmonyang ugnayan ng tao at kalikasan ay nasa sentro ng kulturang Tsino. Ayon kay Lao Tzu, pantas na Tsino, ang Tao, buod ng pilosopiya niya, ay sumusunod sa batas ng kalikasan. Ibig sabihin, ang kilos ng lahat ng nilalang ay kailangang tumalima sa batas ng kalikasan. Hindi mapaghihiwalay ang sangkatauhan at kalikasan.


Ayon sa alamat Tsino, upang mapigil ang baha, makaraang suriin ang lupain, pinahukay ni Da Yu, Tagapagtatag ng pinakamatandang dinastiya ng Tsina na Xia, ang mga daluyan ng tubig tungo sa dagat. Dahil dito, nailigtas ang mga tao at maharmonyang nabuhay ang mga tao at kalikasan.



Mababasa sa mga klasikong salawikaing Tsino ang ideyang “ang lahat ng nilalang ay nabubuhay nang hindi nakakasama sa isa’t isa at ang kanilang gawi ay di nakagagambala sa iba.” Ipinakikita nito ang  mapagparayang katangian ng sanlibutan at kalikasan, maging ang pananaw ng mga Tsino sa mundo.


Batay rito ang ideya ni Xi Jinping na “ang malinaw na tubig at berdeng bundok ay pilak at gintong kabundukan.” Isinasabuhay ito ng mga Tsino. Naniniwala silang ang kaaya-ayang kapaligiran at kalikasan ay pambansang kayamanan.  


Nitong dekadang nakalipas, nangunguna ang Tsina sa pagpapayabong ng kagubatan sa daigdig. Ang pagpapalawak ng kagubatan ng Tsina ay katumbas ng 25% ng kabuuang pagdaragdag ng gubat sa buong mundo. Dahil dito, protekdado ang biyodibersidad. Hindi na nanganganib na specie ang panda at nasaksihan ng buong mundo ang ligtas na paglalakbay ng mga elepante 


Sa kanyang talumpati sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, Oktubre 16, 2022, inulit ni Pangulong Xi ang katulad na pananaw.

“Kailangan nating buong tatag na ipatupad ang ideyang ang malinaw na tubig at luntiang bundok ay ginto at pilak na kabundukan. Kailangan nating isakatuparan ang kaunlarang batay sa mabuting pagkakatugma ng tao at kalikasan. ”


Ang pagsusulong ng berdeng pag-unlad at pagtatag ng magandang Tsina at mas mabuting mundo ay nasa puso ng ideya ng pagpapa-unlad ng kabuhayan at pamamahalang ekolohikal.


Salin/Patnugot: Jade 

Pulido/Voice-over: Rhio

Patnugot sa website: Jade

Patnugot sa video: Vera